ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Maine Mendoza and Alden Richards’ cute Twitter exchange on ‘lip bite’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi nakaligtas ang Pambansang Bae at “Eat Bulaga!” host na si Alden Richards sa pangungulit ng kaniyang ka-loveteam at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza nitong Sabado matapos matagpuan ng dalaga ang lumang video ng Kapuso heartthrob.

Sa isang video mula sa taong 2012, ginaya ni Alden ang sikat na linyang “Stop biting your lips” mula sa librong “Fifty Shades of Grey.”

Nitong nakaraang linggo, nag-tweet si Maine ng isang pahayag: “Last mo na yun.. #stopbitingyourlip.”

Sinagot naman ito ng Pambansang Bae sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang selfie kung saan ginagawa niya ang kaniyang “lip bite.”

Tila hindi naman kinilig ang Kalyeserye sweetheart tulad ng buong AlDub Nation, at pabiro pa nitong sinabi na mas gusto niya ang “lip bite” ng kaniyang ka-loveteam noong 2012.

Matapos ang maikling palitan nila ng mensahe sa Twitter, ginawang header photo ni Maine ang lumang larawan ni Alden, at ginawa rin niyang profile description ang mga katagang “Stop biting your lip.”

Umani na ng higit sa 30,000 ang bawat tweet ng dalawa sa isa't isa mula nitong Sabado.

Bukod sa pagbida nila sa Kalyeserye ng “Eat Bulaga!” araw-araw, inaabangan na rin ng marami ang pagbida ng phenomenal AlDub loveteam sa isang pelikula, na inaasahang ipapalabas ngayong taon kasabay ng unang anibersaryo ng kanilang loveteam sa telebisyon. —ALG, GMA News