Pia Wurtzbach warns against fake Facebook accounts linking her to presidential candidates
Itinanggi ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach na mayroon siyang ineendorsong kandidato sa darating na eleksyon.
Sa isang Instagram post, sinabi ng Filipina beauty queen na ang tanging Facebook accounts na mayroong permiso mula sa kaniya ay ang kaniyang fan page at fan group na pinangagasiwaan umano ni Daryl, at ang official Miss Universe Facebook page.
Inilabas ni Pia ang pahayag na ito matapos niyang makita ang isang post na nakapangalan sa kaniya, na tila nag-eendorso ng ilan sa mga kandidato sa pagka-pangulo ng bansa.
Aniya, “Please stop. This is not real. This is not me. Thank you. I have a fan page and a fan group that is being handled by Daryl and of course the official Miss Universe Facebook page. Please help me spread the word out. Maraming salamat po.”
Kamakailan lamang, ginamit rin ang larawan ng Pambansang Bae at Kapuso host-actor na si Alden Richards upang mag-endorso ng lokal na kandidato.
http://www.gmanetwork.com/news/story/563955/showbiz/chikaminute/local-candidate-misuses-alden-richards-photo
Paglilinaw ng GMA Network Corporate Communications, hindi nag-eendorso ng sinumang kandidato para sa darating na eleksyon sina Alden at ang kaniyang ka-loveteam at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza. — APG, GMA News