ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Wowowin,' dalawang linggong hindi mapapanood


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ipinaliwanag ni Willie Revillame ang dahilan kung bakit sandaling mawawala sa ere ang paboritong game show ng bayan na "Wowowin."

Sa "Chika Minute" report ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras nitong Biyernes,  sinabi ni Kuya Wil na siya mismo ang humingi ng bakasyon sa management ng GMA Network para sandaling makapagpahinga.P

Pagkakataon din umano ito para mapagtuunan niya ng pansin ang sarili at makapaghanda para sa unang anibersaryo ng programa ngayong Mayo sa Kapuso station.

"Sa ating mga kababayan at Kapuso, hindi po mawawala ang 'Wowowin.' Magpapahinga lang po ito nang two weeks," ani Willie.

Dagdag niya, "Mabuti naman pinayagan ako at maiintindihan naman ng ating mga kababayan. Siyempre yung health ko rin, papa-check up din ako para mas matagal ang pagsasama."

Nasa tamang panahon naman daw ang pagbabakasyon ni Willie para magamit ng GMA News ang studio facilities na ginagamit ng "Wowowin" para sa gagawing coverage sa darating na halalan sa Mayo.

"Siyempre yung panahon na ito dapat naka-focus tayo sa eleksyon, sandali lang naman ito. Alam niyo kinabukasan natin ang pinag-uusapan dito," saad pa ni Willie.

Naunawaan naman ng mga namumuno ng Kapuso Network ang kahalagahan ng kahilingan ni Willie.

Ayon kay Joey Abacan, VP for Program Management ng GMA, "Nung pinaalam niya, I raised it to management and it's an opportunity naman for us dahil mayroon tayong malaking election coverage for News and Public Affairs."

Sinabi rin Willie na gagamitin din niya ang sandaling bakasyon para makapaglaan ng oras upang makaisip ng mas magagandang mga palaro, mas malalaking premyo, at mas magandang disenyo ng studio para sa anibersaryo ng "Wowowin" pagbalik nito sa Mayo 16. -- FRJ, GMA News