ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alamin kung single at kung ready to mingle si Kim Domingo


Mula nang pumasok sa showbiz, maraming kalalakihan ang curious na malaman ang relationship status ng bagong pantasya ng bayan ng Kim Domingo kung may nagmamay-ari na ba ng kaniyang puso.

Sa pagsabak ni Kim sa taping ng upcoming romantic comedy series na "Juan Happy Love Story," muling nasilayan ang magandang hubog ng katawan at mala-diyosang kagandahan ni Kim sa suot niyang red bathing suit.

Makakasama ni Kim sa programa sina Dennis Trillo at Heart Evangelista.

"Mayroon eksena na medyo daring talaga," ani Kim sa 'Chika Minute' report. "Basta more on, ano lang siya, naughty romantic comedy. Ganon yung mga eksena namin."

Sinagot din ni Kim ang katanungan ng maraming kalalakihan na curious sa relationship status niya; single pa nga ba si Kim?

"In a relationship," pag-amin ni Kim na nagsabing six years na ang relasyon nila ng kaniyang nobyo.

"Maaga akong na-in love, fourth year high school," aniya.

Hindi naman daw seloso ang kaniyang nobyo kahit pa sexy ang kaniyang naging image.

"Walang problema. Kahit nga nung nag-cover ako nung magazine, sobrang daring nun pero walang naging problema sa kanya. Happy din naman siya," pagbahagi ni Kim. -- FRJ, GMA News

Tags: kimdomingo