ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Cris Villonco marries businessman Paolo Valderrama


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ikinasal na ang stage actress at “Lihim ni Annasandra” star na si Cris Villonco at ang businessman na si Paolo Valderrama nitong nakalipas na Sabado, April 30.

"People still believe in forever, in being together, in making someting work no matter how hard. I wanna be one of those people... This is it. This is it after everything. Ito na 'yun,” ayon kay Cris sa kanilang official wedding video na kinunan ng batikang videographer na si Jason Magbanua.

Dagdag pa niya, “Ibinigay na ni God ang lalaki para sa 'kin. Ito na ang kanyang tamang panahon... Sa Tamang Panahon. Sa Tama at nag-iisang Paolo sa buhay ko.”

Higit sa isang taon na ang nakalilipas nang maging opisyal ang wedding engagement nina Cris at Paolo.

Kuwento ni Jason, "...She wanted it uncomplicated... She wanted to forego the spinning rings and the flying veils. She wanted the raw, the real, the truth.   Exactly how we (did) it." —ALG, GMA News