ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards’ restaurant in Tagaytay now open


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Opisyal nang binuksan ngayong Mayo ang Concha's Garden Cafe sa Cliff House, Tagaytay, ang pinakabagong business venture ng Pambansang Bae at “Eat Bulaga!” host na si Alden Richards.

Nitong Linggo, nagsamasama ang #TeamBulaga upang kumain sa bagong restaurant na pagmamay-ari ng Kapuso heartthrob.

Kamakailan lamang ay nagtungo na rin doon ang Kalyeserye sweetheart at ang ka-loveteam ni Alden na si Maine Mendoza.

 

 

#ALDUB meets #MELIAN ??

A photo posted by Mela Orozco (@melaorozco) on

 

Bukod sa pagnenegosyo, abala rin si Alden sa iba't ibang programang kaniyang pinagbibidahan, kabilang na ang noontime show na “Eat Bulaga!” at ang weekly comedy variety show na “Sunday Pinasaya.”

Pinaghahandaan rin ng binata ang pelikulang pagbibidahan nila ni Maine, na inaasahang ipapalabas kasabay ng first anniversary ng kanilang phenomenal loveteam. —ALG, GMA News