advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Zsa Zsa Padilla at fiancé na si Conrad Onglao, hiwalay na?


Full support si Karylle sa pinagdaraanan ng kanyang inang si Zsa Zsa Padilla sa harap ng kumakalat na balitang hiwalay na at hindi na matutuloy ang kasal ng singer-actress sa fiancé nitong si Conrad Onglao.

Sa "Chika Minute" report sa GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing hindi na idinetalye ni Karylle ang status ng kaniyang ina at ni Conrad na naging engaged noong Setyembre 2015 at planong magpakasal ngayong taon.

Basahin: Zsa Zsa Padilla, tiwalang 'di tututol ang mga anak kung magpapakasal sila ni Conrad Onglao

Sa kabila ng pinagdadaanan ni Zsa Zsa, labis naman na nagpapasalamat si Karylle sa suporta ng mga kaibigan at fans ng kanyang ina.

"Siyempre dumadaan tayo sa magandang part ng buhay minsan may malungkot pero ang importante naman her family and friends are behind her," ani Karylle.

"Kausap ko yung mga kapatid niya sa states all out support naman sila and love," dagdag niya.

Wala pang pahayag sina Zsa Zsa at Conrad sa naturang usapin pero may isang post na inilagay ang batikang singer-actress kamakailan sa Instagram.

 

 

-- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT