Filtered By: Showbiz
Showbiz

Original Sang'gre Sunshine Dizon returns to 'Encantadia'


Muling mapapanood ang Kapuso actress at isa sa mga original Sang'gre na si Sunshine Dizon sa pagbabalik sa telebisyon ng "Encantadia."

Sa panayam ng GMA News Online si Sunshine nitong Biyernes, sinabi ng aktres na mahalaga ang role na kaniyang gagampanan sa bagong "Encantadia."

"As of now, I can't really say pa kung ano yung name ng character and what the character will be. What I can say lang is that it's going to be a big role and it will surely excite the Encatadics," pahayag ni Sunshine matapos siyang sukatan ng costume para sa "Encantadia."

"They created this role especially for me and I'm very happy to be part of it again," dagdag niya.

Bukod dito, nagagalak din ang aktres na madadala na niya ang kaniyang mga anak sa set. Saad ni Sunshine, napanood na rin ng kaniyang mga anak ang naunang "Encantadia" na ipinalabas noong 2005 at labis na nagustuhan daw ito ng mga bata.

Dagdag niya, "I hope that the Encantadics will also support the new cast members (in) the same way that they supported us before."

Nauna nang ipinahayag ni Sunshine sa kaniyang Twitter account na masaya siya sa pagbabalik sa telebisyon ng "Encantadia" at hiniling niyang huwag husgahan ang mga bagong cast ng serye.

"Let us not be quick to judge and avoid using hurtful words. Instead, let’s celebrate that we are all lucky to witness the magic again,” aniya.

Muli rin niyang binati si Glaiza De Castro, ang magmamana ng kaniyang karakter na si Pirena, "I know she's going to be great. She just has to stay true to the character."

Payo niya sa buong cast, "Best advice is they should all work together as a family. That's how we did it before. Kahit lumalampas kami ng 24 oras sa taping noon, masaya pa rin kami kasi nagtatrabaho kami na parang pamilya."

 
 
 
 
 
 

 

-- FRJ, GMA News