Filtered By: Showbiz
Showbiz

Solenn Heussaff to star in new Kapuso 'sexy comedy' series


Abala man siya ngayon sa paghahanda para sa nalalapit niyang kasal sa Argentinean businessman na si Nico Bolzico, patuloy pa rin ang pagbida ng Kapuso host-actress na si Solenn Heussaff sa mga programang Kapuso ngayong taon.

Bukod sa “Taste Buddies” at iba pa niya lifestyle talk shows, nakatakda ring bumida si Solenn sa pinakabagong comedy series ng GMA.

Makakasama niya sa “A1 Ko Sa'yo” sina Sef Cadayona, Ervic Vijandre, Denise Barbacena, Gardo Verzosa, Jaclyn Jose, at marami pang iba.

Aniya, mapapanood na ang kanilang bagong programa sa Kapuso Network sa darating na June 2.

 

 

Bagong aabangan tuwing Huwebes ng gabi simula June 2 na!! ?????? Comedy show: "A1 Ko Sa'yo" #storycon #ThankYouLord

A photo posted by Denise Barbacena (@sweetsirenden) on

 

Dalawang linggo na lamang ang hinihintay ni Solenn at Nico bago ang kanilang kasal sa Brittany, France.

Sa naunang panayam, ibinahagi ng Kapuso host-actress na simple at conservative white dress ang kaniyang dream bridal gown, na gawa ng Israel-based designer na si Lili Hod.

Masusundan rin umano ng isang simple at intimate na reception sa Chateau de Cambourg ang kasal nila ni Nico. — APG, GMA News