ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jennylyn Mercado stars in new Kapuso cooking show ‘Dishkarte of the Day’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang kaniyang pagbida sa romantic comedy film na “Just The 3 Of Us” ngayong taon, balik-telebisyon ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado sa pinakabagong Kapuso cooking show na “Dishkarte of the Day.”

Sa kaniyang bagong pagbibidahang programa, ibabahagi ng award-winning actress at celebrity mom ang kaniyang iba't ibang recipe at mga diskarte sa kusina.

Aniya, "Dito, marami akong bagong recipes. Since pihikan si Jazz, yung mga nalalaman ko, ina-apply ko sa bahay."

“Kahit busy ang sched ko ay nakakapagluto ako ng healthy and easy-to-prepare food for Jazz. May natututunan din ako na useful kitchen tips mula sa mga guests,” dagdag pa ni Jennylyn.

 

Makakasama ni Jennylyn sa kaniyang programa bilang co-host ang komedyanteng si Betong Sumaya.

Kuwento ng Kapuso actress, "Bukod sa tips and recipes na pwede nilang magamit sa cooking or sa kitchen, nakakatuwa rin kasi may co-host ako dito. May acting na kasama kaya masaya at mag-e-enjoy ang mga viewers.”

Ilan lamang sa mga Kapuso artists na nakasama ni Jennylyn sa unang araw ng kaniyang bagong programa nitong Lunes sina Benjamin Alves, Ina Raymundo, at ang “Encantadia” stars na sina Rochelle Pangilinan, Ruru Madrid, at Kylie Padilla. 

Bumisita na rin sina Ken Chan, Francheska Farr, Juancho Triviño, Hiro Angeles, at marami pang iba.

 
 
 
 
 
 
 
 
 

Salamat po LORD :) "Dishkarte of the Day" taping, amazing :) #Blessing #DishkarteOfTheDay

A photo posted by Alberto "Betong" S. Sumaya, Jr (@amazingbetong) on

 
 
 
 
 

Ty po LORD :) "Dishkarte of the Day" taping, abangan sa GMA News TV 11 :) Amazing :) #Blessing #DishkarteOfTheDay #CDOKarneNorte

A photo posted by Alberto "Betong" S. Sumaya, Jr (@amazingbetong) on

 
 
 

Mapapanood si Jennylyn sa “Dishkarte of the Day” araw-araw sa GMA News TV—Lunes hanggang Biyernes ng 8:20 am hanggang 8:30 am, 3 pm hanggang 3:10 pm, 7pm hanggang 7:10 pm; Sabado ng 8:20 hanggang 8:30 am, 3 pm hanggang 3:10 pm, 4:50 hanggang 5 pm; at Linggo ng  12:45 pm hanggang 12:55 pm, 4:50 pm hanggang 5 pm, at 5:40 hanggang 5:50 pm. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News