Marian Rivera tries hand at flower arrangement this Mother's Day
Bilang pagdiriwang ng kaniyang unang Mother's Day bilang isang ina sa unica hija nilang si baby Zia ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, sinubukan ng Kapuso actress at “Yan Ang Morning” host na si Marian Rivera ang flower arrangement nitong Linggo.
Ayon kay Marian, matagal na niyang pangarap ang matuto ng flower arrangement, kaya naman labis niyang ikinatuwa nang maging isa ito sa mga sorpresa ng kaniya ni Dingdong ngayong Mother's Day.
“Kahapon, ang isa sa items na nasa bucket list ko ay nagawa ko. Haaay speechless again. Salamat mahal, ang dami mong surprise sa akin,” kuwento ni Marian, na tinawag pa si Dingdong na supportive husband.
Hawak ng Kapuso Primetime King sa larawang ibinahagi ni Marian ang mga bouquet na gawa mismo ng aktres.
A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on
Sa hiwalay na Instagram post, ipinagmalaki naman ni Dingdong ang unang karanasan ng kaniyang asawa bilang isang florist.
Aniya, “Check out my wife in her first attempt as a florist. Is this an alternative career in the making? Mukha lang serious dito sa siyat pero alam kong happy siya.”
“We (Letizia and I) are your biggest fans- whatever industry it may be. Happy Mother's Day to you, baby,” dagdag pa ng aktor.
A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) on
Nakatakdang magbalik-tambalan sina Dingdong at Marian sa inaabangang remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia,” na inaasahang ipapalabas ngayong taon. -- FRJ, GMA News