ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Paolo Ballesteros transforms into ‘Game of Thrones’ characters


Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng Kapuso actor at “Eat Bulaga!” host na si Paolo Ballesteros sa make-up transformation ngayong buwan.

Matapos ang paggaya niya sa mga karakter ng blockbuster Hollywood film na “The Huntsman: Winter's War” at sa dalawang aktres na gumanap bilang Wonder Woman, mga karakter naman ng American fantasy drama TV series na “Game of Thrones” ang ginaya ng aktor.

Ngayong linggo, ipinasilip ni Paolo ang kaniyang make-up transformation sa mga karakter na sina Margaery Tyrell at Sansa Stark, na ginagampanan nina Natalie Dormer at Sophie Turner.

 

 

Matagal nang pinupuri ng maraming tao mula sa iba't ibang bahagi ng mundo si Paolo dahil sa kaniyang mga nakakamanghang make up transformations. 

Bukod sa mga artistang Pinoy, kabilang sa kaniyang mga ginagaya ang iba't ibang Hollywood artists at foreign personalities, tulad na lamang ni Miss Colombia 2015 Ariadna Gutierrez, Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach, Grammy award-winning performer Beyonce, at marami pang iba. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News