Filtered By: Showbiz
Showbiz
GALLERY

Get to know Ariella Arida, Willie Revillame's newest 'Wowowin' co-host


Ipinakilala na nitong Lunes ang Filipina beauty queen at Miss Universe 2013 third runner-up na si Ariella Arida bilang ang pinakabagong co-host ni Willie Revillame sa daily Philippine afternoon game-variety show na “Wowowin.”

Nakilala si Ara bilang isang Filipinas fashion model at TV personality mula sa Laguna, na nagwagi bilang Miss Universe-Philippines tatlong taon na ang nakalilipas.

Simula ngayong araw, mapapanood na ang beauty queen sa bago at mas pinagandang “Wowowin,” na idaraos araw-araw sa mas pinalaking set at stage sa studio ng GMA Network.

Bukod kay Willie, makakasama rin niya ang iba pang co-hosts na programa, kabilang na sina Bentong, Yvette, at Kimchi.

Silipin ang makulay na buhay ni Ara—mula sa kaniyang travels, hanggang sa mga simpleng bondings kasama ang mga kaibigan at ang kaniyang pamilya—na siguradong magiging inspirasyon niya sa pagbibigay-kulay sa pang-araw-araw na panonood ng mga Kapuso!

 

 
 
 
 
 
 

 

—JST, GMA News