ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Louise delos Reyes, handa na sa sexy roles


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ikinukonsidera ni Louise delos Reyes na graduate na siya sa pa-tweetums image at handa na sa mature and daring roles.

Sa "Starbites" report ni Cata Tibayan sa Balitanghali nitong Huwebes, ipinakita ang Instagram posts ni Louise na confidently sexy sa suot na bikini swimsuit sa kanyang beach travels.

Paliwanag ni Louise, ang mga larawan ay pagpapakita rin ng resulta sa kaniyang pagsisikap na mapaganda ang pangangatawan at kalusugan.

Suportado naman daw siya ng kaniyang mga magulang lalo na't 24-anyos na siya.

Malaking tulong din daw sa kaniyang transformation at desiplina ang gym at fencing .

Aminado naman si Louise na inihahanda pa niya ang sarili sa posibilidad na mag-pose sa men's magazine balang araw.

Samantala, bigay-todo naman siya sa kanyang comeback afternoon show na "Magkaibang Mundo."

Maliban sa may pagkafantasy ang tema, kaabang-abang daw ang matitinding eksena niya kasama ang premyadong actress-director na si Gina Alajar. -- FRJ, GMA News