ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
'Ultimate Summer Babe'

Bikini collection ni Ms Universe-PHL Maxine Medina, higit 100 na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa hilig sa pagbi-beach, tinagurian nang "ultimate summer babe" ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Maxine Medina.

Sa kaniyang hilig sa beach, sinabi sa "Chika Minute" report ng 24 Oras nitong Biyernes, na umabot na sa mahigit 100 ang kaniyang bikini.

Ani Medina, beach ang naiisip niyang puntahan tuwing gusto niyang mag-relax kahit noong bata pa siya.

At sa magandang hubog ng kaniyang katawan, hindi kataka-takang bansagang siyang "ultimate summer babe."

Sa kaniya raw huling bilang, umabot na sa mahigit 100 ang kaniyang bikini.

Tuwing nagpo-post daw kasi siya ng larawan sa kaniyang social media account nang naka-bikini, marami raw ang nagpapadala upang masuot niya rin.

Natutuwa naman ang beauty queen dahil tuwing magbi-beach siya ay bagong bikini ang kaniyang nagagamit.

 

 

 

 

 

 

 

 
 
 
 
 
 

 

-- FRJ, GMA News