Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Jaclyn Jose emotional as she accepts Best Actress award at Cannes


Hindi napigilan ng batikang aktres at "A1 Ko Sa'yo" star na si Jaclyn Jose na maging emosyonal nang tanggapin niya ang best actress award sa Cannes Film Festival 2016 nitong Linggo para sa kaniyang pagganap sa pelikulang "Ma'Rosa."

Kasama ng aktres sa entablado ang batikang direktor na si Brillante Mendoza at anak na si Andi Eigenmann, na kabilang rin sa mga bumida sa pelikula.

Panimula ni Jaclyn sa kaniyang acceptance speech, "I don't know what to say. I'm so surprised! I just went here to walk on the red carpet with my daughter. Thank you to Cannes, thank you so much. Thank you to the jury. Thank you for liking our film."

"Thank you also to Brillante Mendoza. I was just following whatever he tells me to do. He is such a brilliant director--a genius in the Philippines, and now, here in your country," dagdag pa niya.

Inialay rin ng aktres ang kaniyang tagumpay sa mga Pilipino.

Aniya, "I would also like to share this recognition to all the Filipinos who are here, to my daughter, to Brillante, to my countrymen, to the Philippines. Thank you so much, France, for loving our work."

 

Kasama ni Jaclyn na bumida sa "Ma'Rosa" sina Felix Roco, Jomari Angeles, Julio Diaz, Neil Sese, at marami pang iba.

Isa ang nasabing pelikula sa 20 kalahok sa prestihiyosong Cannes Film Festival, na taunang ginaganap sa France. Ito rin ang natatanging kalahok na mula sa Pilipinas sa main competition ng nasabing film festival. —ALG, GMA News

LOADING CONTENT