Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mariel Rodriguez at Robin Padilla, may pangalan na para sa kanilang anak


Labis ang kasiyahan ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa muling pagbubuntis ng television host matapos ang dalawang miscarriage. 

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Miyerkules, sinabi ni Mariel na matapos na makunan ng dalawang beses ay hindi pa raw siya handang magbuntis.

Kaya naman laking gulat daw nila ni Robin nang malaman nila noong Abril na nagdadalang-tao muli siya.

Hindi raw biro ang pinagdadaanan ni Mariel sa kanyang pagbubuntis ngayon para makatiyak na hindi na ito mawawala.

Paliwanag ni Mariel sa nangyaring miscarriage, "My body, my blood is attacking the baby, 'yon ang nangyayari. So iniisip niya kasi it's something foreign, so nire-reject na siya. That's why I have to take my nepherin shots para pakalmahin din yung mga dugo ko, ganyan, para the nutrients can go to the baby."

Bukod dito, nagka-diabetes pa si Mariel na minsang nagiging kondisyon ng mga nagbubuntis. Kaya kailangang niyang alamin ang kanyang blood sugar tatlong beses sa isang araw at magturok ng insulin sa gabi.

Kaya naman hindi maiwasan ni Robin na maawa sa kalagayan ni Mariel.

Ngayon pa lang, may napili na raw silang pangalan para sa kanilang magiging baby.

Paliwanag ni Mariel, "If it's a girl, he wants it to be after me, Maria, Maria kasi ako talaga. And then if it's a boy, I will name it after him also. But because Robin's son Ali is Robinhood, Jr., so siya 'yung Junior. Kasi Robin's name is Robinhood Fernando Carino Padilla. I'm gonna get the Fernando." -- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT