Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dating manager ni Charice na si Courtney Blooding, pumanaw sa sakit na cancer


Pumanaw na dahil sa sakit na cancer ang dating manager ni Charice na si Courtney Blooding.

Ipinaalam ni Charice sa kaniyang post sa Twitter ang pagpanaw ni Courtney na naging manager niya noong 2011 hanggang 2012.

"Rest in peace to my friend, Courtney Blooding. Gone too soon," saad sa post ni Charice at inihayag niya ang galit sa cancer.

Enero ngayong taon nang ibinalita ni Courtney sa pamamagitan ng kanyang social media account ang kaniyang sakit na cancer.

Nag-post din siya ng ilang larawan kaugnay ng kaniyang pinagdadaanan habang nagpapagamot.

Bago naging talent manager, naging singer din si Courtney, intern ni David Foster at nag-audition sa "Americal Idol."

Sa kaniyang huling Twitter post noong March 5, inihayag ni Courtney ang kasiyahan sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan.

 

 

-- FRJ, GMA News