Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Jaclyn Jose recreates Cannes acceptance speech in 'Sunday Pinasaya'


Kamakailan lamang, nagwagi sa 69th Cannes Film Festival bilang Best Actress ang Kapuso star na si Jaclyn Jose para sa kaniyang natatanging pagganap sa pelikulang “Ma'Rosa,” na pinangunahan ng direktor na si Brillante Mendoza.

Nagbalik-telebisyon siya noong Linggo sa comedy variety show na “Sunday Pinasaya,” kung saan nauna na siyang naging guest noong nakaraang taon.

Matatandaang naging bahagi siya ng “Cynthia's School of Overacting,” kung saan bida sina Wally Bayola at Valeen Montenegro, bago ang kaniyang naging pagganap bilang Angelika Santibañez sa remake ng “Marimar” noong 2015.


 

Sa kaniyang pagbabalik, nagpasalamat si Jaclyn sa itinurong 'no acting' technique ni Coach Cynthia, na ginagampanan ni Wally.

Inulit rin niya ang kaniyang acceptance speech sa Cannes gamit ang nakakatuwang turo ng acting coach.

Nakatakdang bumida si Jaclyn sa upcoming sexy comedy series na “A1 Ko Sa'yo,” kung saan bibida rin sina Solenn Heussaff, Gee Canlas, Mara Alberto, Roi Vinzon, Gardo Versoza, Benjamin Alves, Ervic Vijandre, at Sef Cadayona.

Ipapalabas ang pinakabagong Kapuso show na ito tuwing Huwebes sa GMA Primetime, simula sa darating na June 2. — APG, GMA News

Tags: jaclynjose
LOADING CONTENT