ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mark Herras, gaganap na lalaking magpapanggap na beki sa 'Conan, My Beautician'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Excited at tuwang-tuwa si Mark Herras dahil nabigyan siya ng show na siya mismo ang title role sa weekly light drama-comedy na "Conan, My Beautician."

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago, sinabing makakasama ni Mark sa naturang programa ang kapwa produkto ng "Starstruck" na si 2013 Miss World Megan Young.

Nitong Martes, isinagawa na ang story conference ng "Conan," na dinaluhan mismo nina Mark at Megan.

Masaya si Mark dahil bukod sa "Conan," kasama rin siya sa Afternoon Prime Soap na "Sa Piling Ni Nanay."

"Sobra po akong nagpapasalamat, especially, unang-una sa GMA for trusting me again, na ipakita yung kaya kong ipakita," anang Kapuso actor. "Ngayon lang ako nabigyan ng isang role na, 'yon nga, sabi n'yo nga po na iikot 'yung story sa akin."

Gagampanan ni Mark sa "Conan, My Beautician" ang papel ng isang tunay na lalaki na kailangang magpanggap na bading para makapagtrabaho sa isang beauty salon.

Kailangan niya itong gawin para maipagamot ang kanyang inang nasa ospital. Pero magiging masalimuot ang lahat dahil mai-inlove siya sa isang babaeng nagtiwala sa kanya sa pag-aakalang isa siyang bading.

Ikinatuwa rin ni Mark na makakatambal niya sa programa si Megan na isa ring produkto ng "Starstruck," at ngayon lang niya makakatrabaho.

"Batch 2 si Megan ng Starstruck, ako batch 1 and then du'n lang talaga kami naging magkakilala ni Megan, so this is our first project together," dagdag ni Mark.

Todo-kayod si Mark dahil gusto raw niyang mag-ipon para in two years ay maaya na niyang magpakasal ang girlfriend na si Wyn Marquez. -- FRJ, GMA News