advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kim Domingo, nagkuwento sa breakup nila ng long time boyfriend


Hindi itinago ng Kapuso sexy star na si Kim Domingo ang panghihinayang sa paghihiwalay nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Huwebes, sinabing bakas ang lungkot sa mga mata ni Kim kahit nananatili siyang masayahin.

"Nandu'n ang panghihinayang kasi six years is six years. Mahirap magsalita," anang dalaga na tumangging sabihin ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

"Wala, ganu'n talaga, baka hindi pa ibinibigay sa akin ni God yung right guy," dagdag niya.

Hindi rin umaasa si Kim na magkakabalikan pa sila ng dating nobyo.

Pero hindi raw naging problema sa kanila ng dating nobyo ang kaniyang showbiz career.

Sa ngayong, iniisip na lang ni Kim na kapalit ng nawala niyang love life ang magandang takbo ng kanyang career dahil sunod-sunod umano ang biyaya na kaniyang natatanggap.

"Yung pagpasok ng trabaho sa akin, so du'n pa lang, haping-happy na 'ko. 'Yung love life, nandiyan lang naman 'yan," ayon kay Kim, na kasama sa cast ng primetime series na " Juan Happy Love Story" kasama sina Heart Evangelista at Dennis Trillo.

Dapat daw abangan ang nakakatuwang mga pangyayari sa istorya ng mga karakter nila nina Dennis at Heart.

"Magkakaharap kami ni Heart, so du'n na mabubuo yung parang selos factor sa kanya. Kasi nu'ng nakita niya ko parang, naku, mukhang ano 'to ng asawa ko ah," kwento niya. -- FRJ, GMA News

Tags: kimdomingo
LOADING CONTENT