Behind the scenes of Encantadia 2016
Puspusan na ang paghahanda para sa inaabangang remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na "Encantadia," na inaasahang ipapalabas ngayong taon.
Kamakailan lamang, ipinasilip na sa mga manonood ang unang teaser ng telefantasya sa telebisyon.
Bukod sa bigating cast, kabilang rin sa mga inaabangan ngayon ang mga makabagong costume, props, at special effects na gagamitin sa programa.
Ilan sa mga bibida rito ngayong taon sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro bilang ang mga Amihan, Alena, Danaya, at Pirena.
Kasama rin sa mga magbibigay-buhay sa kuwento sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, Ruru Madrid, Rocco Nacino, Klea Pineda, James Teng, Buboy Villar, John Arcilla, Solenn Heussaff, at marami pang iba. —JST, GMA News