Baste Duterte's girlfriend Kate Necesario once an FHM model
Nakilala na ng publiko ang kasintahan ni Sebastian 'Baste' Duterte, ang ikatlo at bunsong anak ni President-elect Rodrigo Duterte sa kaniyang dating asawang si Elizabeth Zimmerman, na naging social media heartthrob at tinaguriang “hunk ng Davao” mula nang maging aktibo siya sa kampanya ng kaniyang ama.
Ipinagdiwang nina Baste at ng dating model na si Kate Necesario ang second birthday ng kanilang anak na si Yair kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.
April 2011 nang mag-pose si Kate sa men's magazine na FHM Philippines, noong 18 taong gulang pa lamang siya.
Naganap ang naturang photoshoot sa pangunguna ni Niko Villegas sa Chemas Beach Resort sa Samal Island, Davao.
Sa naunang pahayag, ibinahagi niya marami ang nagsasabi sa kaniyang kamukha niya ang Kapuso actresses na sina Jennylyn Mercado at Solenn Heussaff, na pareho na ring bumida sa mga pahina ng nasabing men's magazine. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News