ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kristine Hermosa sa pagkawala niya sa showbiz: 'No regrets'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Muling mapapanood sa telebisyon na sa darating na Linggo, June 19, ang aktres na si Kristine Hermosa, na kabilang sa mga bibida sa Kapuso comedy series na "Hay Bahay!"

Ayon kay Kristine sa ginanap na press conference nitong Lunes, hindi niya pinagsisisihan ang sadaling pagpapahinga mula sa showbiz upang matutukan ang pagpapalaki sa mga anak nila ng aktor na si Oyo Boy Sotto.

Masaya raw siya sa mga kasabayan niyang patuloy ang pamamayagpag sa industriya makalipas ang maraming taon, pati na sa mga bagong artistang hinahangaan ngayon.

Aniya, "No regrets. I’m very happy for them dahil nararanasan nila yung gusto nila. No regrets ako. Masaya ako sa pinagdaanan ko, although ibang-iba naman talaga ang showbiz before than now. Iba ang hirap dati than now."

"Iba ‘yung makikilala ka sa haba ng panahon at sa hirap ng pinagdaanan mo. Ngayon, iba na ang trend. Instant na," dagdag pa niya.

Masuwerte raw ang mga bagong artista dahil ibang-iba na ang proseso ng pagiging artista ngayon, at mayroon na ring social media upang tumulong sa kanilang pagsikat.

Mensahe niya sa mga ito, "Savor every moment na. You’re very blessed. Hindi niyo dinanas ang dinanas namin. Sinasabi ko ‘yun sa mga make-up artist, manager—ibang-iba na ngayon."

Hindi naman pinagsisihan ni Kristine ang mga pinagdaanan niya, at masaya niyang binabalikan ang mga pinagbidahan niyang teleserye at iba pang proyekto na humubog sa kaniya bilang isang indibidwal at isang aktres.

Aniya, "Happy naman ako na ganoon ang pinagdaanan ko dahil doon ako nabuo. Doon ako na-develop as a person, as an actress. Ang sarap balikan."

 

 

AYAW NANG MAGULO

Ngayon balik na siya sa pag-arte, iiwas raw muna si Kristine sa drama projects at mas itutuon ang pansin sa mga masaya at magagaang na programa.

"I really can’t see it now. Depende kung saan ako dadalhin ni God, kung gusto niya pa akong gumawa ng drama. Hindi ko masabi pa. As of now, masaya ako sa ganito. Relax lang," paliwanag niya.

Bukod sa pagnanais na maipagpatuloy ang pagiging hands-on mom, nais na rin daw ng aktres na iwasan ang magulong bahagi ng industriya.

Paliwanag ni Kristine, naranasan niya na umanong masigawan at mapahiya sa set.

Kuwento niya, "Pinagpe-pray ko rin ang system ng industry. Ayoko nang magulo. Gusto ko na kapag nag-trabaho ako, kalmado lahat ng tao. Walang murahan. Hindi nagbabastusan. Nakaka-degrade ‘yan ng pagkatao."

"Dinanas ko ‘yan kaya alam ko kung gaano kadumi rin ang industry. I pray na talagang malinis na. Siguro kapag dumating ang panahon na ‘yun, baka mag-all out ulit ako. Baka ganahan akong bumalik nang full blast," dagdag pa ng aktres.

Mapapanood si Kristine at ang asawa niyan si Oyo Boy sa pinakabagong Kapuso comedy series na “Hay Bahay!” simula ngayong Linggo, June 19, pagkatapos ng “24 Oras Weekend.”

Kasama nilang magpapaligaya sa mga Kapuso tuwing Linggo sina Bossing Vic Sotto, Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas, phenomenal comedic duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola, at “Eat Bulaga!” Dabarkads Ruby Rodriguez. —NB/FRJ, GMA News