ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
'Alamat', unang Philippine show na winner ng 'Best of Festival Award' sa USIFVF
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Napanalunan ng GMA animated anthology series na "Alamat" ang kauna-unahang "Best of Festival Award" ng isang Philippine show sa prestihiyosong US International Film and Video Festival.
Itinuturing na "Grand Prix" award ang naturang pagkilala na nakuha ng "Alamat."
Mula sa mga nanalo ng "Gold Camera Award" sa iba't ibang kategorya, nangibabaw bilang pinakamahusay ang "Alamat Ng Bayabas" episode.
Sa darating na Linggo ng hapon, mapapanood ang season two finale episode ng "Alamat." -- FRJ, GMA News
Tags: alamat
More Videos
Most Popular