Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Alden and Maine sing duet version of ‘Imagine You and Me’ theme


Hindi pa natapos ang kilig na dulot ng kantang sinulat ni Maine Mendoza para sa pelikulang "Imagine You and Me" na pagbibidahan niya kasama ang onscreen love interest na si Alden Richards.

Nitong Sabado, muling umawit ang dalaga, ngunit sa pagkakataong ito, ka-duet pa niya si Alden kaya naman doble ang saya ng kanilang mga tagahanga.

 

Bago pa man ang kantahang ito, nakatanggap na ng papuri si Maine mula sa mga fans at pati na sa best-selling author na si Lang Leav para sa awiting kaniyang sinulat.

Mapapanood naman ang "Imagine You and Me" sa July 13. -- Aya Tantiangco/FRJ, GMA News

Tags: aldub