Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Nikki Gil and husband BJ Albert share touching moments in official wedding video


Pitong buwan makalipas ang kanilang kasal, inilabas na ang pangalawa at mas mahabang wedding video nina singer-actress Nikki Gil at businessman BJ Albert.

Mapapanood sa pangalawang video ang ilang mga nakakaantig na tagpo sa kasal ng dalawa, kabilang na ang mga mensaho mula sa kanilang mga pamilya.

Mapapanood din sa video ang wedding vows ng mag-asawa.

“Six days ago, at 6:00 p.m., I went to Nikki's bedroom and carefully sat on her bed. I don't think she knows abou it. For five minutes, I watched her breathe quietly, and there was a small smile on her face. I shed a tear that only God saw,” kuwento ni Dino Gil, ama ni Nikki.

“BJ, you have to know that since she was a child until yesterday, she never failed to pass by our room to hug and kiss her Papa. Tonight, I will have to deal with that difficult adjustment. So, I have a request. When people treat her wrong or bashes her online and she cries, give her a hug and stroke her hair until she falls asleep. Will you do that?” dagdag ng ama ni Nikki.

Kabilang sa mga dumalo sa kanilang kasal ang ilang celebrities gaya na lamang ng best friend ni Nikki at “24 Oras” anchor na si Iya Villania kasama ang kaniyang asawa na si Drew Arellano.

Dumalo rin sa naturang pagtitipon ang mag-asawang Isabel Oli at John Parts, at si Luis Manzano, Gary Valenciano, Shaina Magdayao, at marami pang iba.

Nauna nang naglabas ng mas maiksing wedding video si Jason Magbanua dalawang araw pagkatapos ng kasal na ginanap noong Nob. 21, 2015 sa Sta. Rosa, Laguna. —ALG, GMA News

LOADING CONTENT