Why Angelina Montano is making waves online
Pinag-uusapan na rin sa social media ang panganay na anak ni Sunshine Cruz na si Angelina Montano, na kamakailan lamang ay bumida na sa endorsement para sa isang cosmetics brand.
Kasalukuyang 14 taong gulang at nasa Grade 9 ang dalaga, ngunit umaabot na sa higit 90,000 ang kaniyang followers sa Instagram.
Ayon kay Angelina sa naunang pahayag, marami raw ang nagsasabi sa kaniya na kamukha niya ang kaniyang ina, na isa umano sa mga nagbibigay sa kaniya ng tips pagdating sa fashion, beauty, at maging sa pag-arte.
Nang tanungin siya tungkol dito, walang siyang ibang masabi kundi mga papuri para kay Sunshine, na isa umanong mapagmahal at maalagang ina sa kanilang magkakapatid..
“(My mom is) really loving and very responsible. She cares for us and works really hard to provide for our needs. We get excited when we watch her shows and whenever we see her billboards, we take pictures and then send it to her [saying] 'Oh, we see you on the streets!' So we're really proud of her," aniya. —JST, GMA News