ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Andrea Torres chills in Jenner sisters' swimwear


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang finale episode ng GMA Afternoon Prime series na “The Millionaire's Wife' nitong Biyernes, sandaling nagpahinga ang Kapuso actress na si Andrea Torres bago muling sumabak sa harap ng camera.

Nitong weekend, ipinasilip niya ang kaniyang poolside relaxation suot ang isa sa mga swimsuit mula sa lifestyle brand na Kendall + Kylie, na mula sa TV personalities at models na sina Kendall Jenner at Kylie Jenner.

Bukod sa kanilang reality show sa Amerika, sumikat na rin sina Kendall at Kylie dahil sa kanilang mga negosyo, kabilang na ang iba't ibang uri ng damit, lip kits, at maging mobile apps.

Ngayong Hulyo, magbabalik na sa pagpapasaya ng mga Kapuso si Andrea tuwing Biyernes bilang isa sa mga bida ng comedy sketch gag show na “Bubble Gang.”

 

 

 

—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News