ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Judy Ann Santos, Gladys Reyes reunite with other former castmates


Muling nagsama-sama ang ilang artista ng 1990s sa isang malaking reunion na naganap nitong Sabado, kabilang na sina Judy Ann Santos at si Gladys Reyes.

Nagsalo-salo sila kasama ang ilan pa sa orihinal na cast ng pinagbidahan nilang teleserye noong 1992 hanggang 1997.

Isa sa mga nanguna sa pag-organisa ng nasabing reunion si Juday, na siya ring bida ng nasabing programa ilang taon na ang nakalilipas.

Kabilang rin sa mga dumalo sa nasabing reunion sina Christopher Roxas, Wowie de Guzman, Paolo Contis, Angelika Dela Cruz, Debbie Espileta, Juan Rodrigo, Susan Africa, Eagle Riggs, Jochelle Olalia, Minnie Aguilar, at marami pang iba.

Silipin ang ilan sa mga eksena mula sa kanilang reunion, na siguradong magpapa-throwback sa mga tagahanga ng Pinoy TV series.

 

 

 

—JST, GMA News