ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Alamin kung bakit hindi umasa si Maine Mendoza na matatanggap siya sa 'Eat Bulaga' matapos mag-audition


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Gaya ng ibang naging aplikante sa trabaho, inamin ni Maine Mendoza na hindi siya umaasa na makapapasok sa "Eat Bulaga" nang sabihan siya matapos mag-audition na, "antayin na lang ang tawag," na karaniwang sinasabi kapag nag-aaplay o nag-a-audition.

Pero laking gulat at tuwa ni Maine nang tawagan siya ng "Eat Bulaga" at isinabak kaagad sa segment na "Juan For All, All For Juan," bilang si Yaya Dub, na naging daan ng pagkakabuo ng kauna-unahang kalyeserye.

Ipinakita rin kung papaano ginampanan ni Maine ang karakter na "Sisa" na hinahanap sina Crispin at Basilio sa kaniyang pag-audition maliban sa pagpapangit ng mukha. Panoorin.

-- FRJ, GMA News

Tags: aldub, eatbulaga