ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Not like Taylor Swift

Sino kina Pauleen Luna at Kris Bernal ang mas matagal makapag-move on?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa programang "Mars," tinanong sina Pauleen Luna-Sotto at Kris Bernal kung gaano sila kabilis o kabagal makapag-move on pagdating sa pag-ibig kung ikukumpara sa international artist na si Taylor Swift.

Matatandaan na gumawa ng ingay ang paglabas ng mga larawan ni Taylor habang kasama at kahalikan ang Hollywood actor na si Tom Hiddleston, na mas kilala bilang si Loki sa pelikulang "Thor."

Marami ang pumansin na tila mabilis nakapag-move on si Taylor dahil halos dalawang linggo pa lang matapos mapabalitang nakipag-break ito sa kaniyang boyfriend ay lumabas na ang mga larawan niya na kasama si "Loki."

Ayon kay Pauleen, hindi niya kaya ang ginawa ni Taylor na naka-move one kaagad sa loob lang ng dalawang linggo.

Sa bilang na 1 to 10, bigyan ni Pauleen ang sarili ng markang 5 pagdating sa pag-move on sa pag-ibig.

Pero si Kris, aminadong mabagal makapag-move on kaya 3 ang ibinigay na marka sa sarili.

Pag-amin pa ni Kris,  dinadamdam niya ang  breakup at kahit one year na ang nakalipas ay tila pakiramdam niya ay tatanggapin pa rin niya ang lalaki kapag nakipagbalikan. -- FRJ, GMA News

Tags: taylorswift, mars