ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Mamamasyal kasama sina Josh at Bimby

Mga anak ni Kris Aquino, tutulong para ma-enjoy ni PNoy ang pagbabalik bilang private citizen


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos magbakasyon sa ibang bansa, nagbabalik na sa Pilipinas si Kris Aquino para tumulong sa pagbabalik ng kaniyang kuya na si outgoing President Benigno "Noynoy" Aquino III bilang private citizen.

Sa eksklusibong panayam ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing pitong linggo na nagbakasyon si Kris at ang mga anak na sina Joshua at Bimby sa Hawaii at mainland USA.

Sa kaniyang pababalik sa Pilipinas, tumulong umano si Kris sa paghahanda sa pagbabalik ni PNoy bilang private citizen at pag-uwi nito sa kanilang tahanan sa Times St. sa Quezon City.

Bukod pa rito, dadalo rin si Kris sa inagurasyon ni Leni Robredo bilang bise presidente ng bansa sa Huwebes.

Kuwento ni Kris, tiniyak nila na may pagkain si PNoy sa pag-uwi nito sa kanilang bahay at makakasama nito ang ang isang yaya, isang kasambahay at isang cook.

Dagdag ng television host-actress, hindi pa nakikita ni PNoy ang kanilang bahay sa Times St. na ipinaayos.

"Mayroon kaming last minute changes kasi hindi pa niya nakikita. Hindi naman surprise pero its just that he hasn't been inside the house. Ginawa yung lahat na 'yon na mga kapatid ko ang mga nangialam [nakialam]," ayon kay Kris.

Sa tulong daw ng kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby, pipilitin nilang ma-enjoy ni PNoy ang pagbabalik nito bilang karaniwang mamamayan simula bukas ng tanghali.

At dahil hindi raw mahilig bumiyahe ang papaalis na presidente, hihintayin na lang nila kung ano ang magiging mga plano nito.

Isa sa mga inaasahan umano nila ay mag-aaya si PNoy sa mamasyal sa beach at sa iba pang lugar na pinuntahan niya para magpasinaya ng mga proyekto noong nakaupo pa siyang pangulo.

May mga pelikula rin daw silang inilista na balak nilang panoorin.

Sa pagbaba niya sa puwesto, mananatili ang ilang miyembro ng Presidential Security Group kay PNoy noy kahit wala na ito sa puwesto.

Samantala, kukuha naman daw si Kris ng mga private security personnel para sa dalawa niyang anak.

Dahil wala na sa puwesto ang kaniyang kapatid, naniniwala si Kris na mawawala na rin ang banta sa kanila ang bandidong Abu Sayyaf.

Mensahe para sa liderato ni Duterte

Ibang kandidato man ang kaniyang sinuportahan noong panahon ng kampanya, sinabi ni Kris na dapat suportahan ng lahat ang bagong pangulo na si Duterte.

Dapat din daw na bigyan ng pagkakataon ang mga bagong mamumuno sa bansa.

"I pray for President Duterte. I pray that our country will continue to prosper economically," ayon kay Kris na nagsabing bilang ina ay pabor siya sa pagkakaroon ng curfew.

"In the same way na maraming nagdasal para kay 'Noy na matapos niya at mag-succeed ang six years, I'll do my share also," dagdag ni Kris.

Samantala, bilang pagtupad naman sa kanyang pangako kina Marian Rivera at Dingdong Dantes, nag-taping si Kris sa show ni Marian na "'Yan Ang Morning."

IN PHOTOS: Behind the scenes of Kris Aquino's appearance at 'Yan Ang Morning!'
 

Mapapanood ang kabuuan nito sa darating na Biyernes. -- FRJ, GMA News

Tags: krisaquino