Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden breaks down as he receives 7x platinum award for album


 

Kasabay ng pagbisita ni Maine Mendoza sa “Sunday Pinasaya” nitong nagdaang Linggo, hindi inasahan ng Kapuso host-actor at Pambansang Bae na si Alden Richards na mayroon pang magandang balita na naghihintay sa kaniya.

Bukod sa magandang pagtanggap ng mga manonood sa pinagbidahan niyang pelikula na “Imagine You & Me,” opisyal na ring itinanghal bilang 7x Platinum Album ang “Wish I May.”

Labis ang pasasalamat ni Alden sa mga walang-sawang sumuporta sa kaniya sa loob ng ilang taon niya sa showbiz.

Aniya, “Thank you po kasi hindi kayo bumibitaw. Kahit na ang dami nang nagdududa, ang daming naggi-give up sa akin. Thank you.”

“Sana, doon sa supporters, kung may nagdidikta man sa inyo, alam niyo naman po ang tama at kung sino ang dapat paniwalaan at kung sino ang mabuti ang puso,” dagdag pa niya.

Paalala naman ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, "Ang totoong fans, kahit anong marinig at makita, kung totoong mahal ka, hindi ka iiwan. 'Yun ang totoong nagmamahal."

Nagbigay rin ng mensahe para kay Alden ang kaniyang mga kasamahan sa nasabing Kapuso comedy variety show, na proud na proud sa Pambansang Bae.

“Sobrang proud kami sa'yo. Isa lang ang ibig sabihin niyang: Mabait kang tao kaya binibiyayaan ka ng Panginoon ng mas marami pang biyaya,” ayon kay Marian.

Pagtatapos niya, “Saan ka pa? Ang ganda na ng movie niyo, nag-hit pa. May Maine ka pa, may Platinum ka pa!” —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News