Filtered By: Showbiz
Showbiz
SNEAK PEEK

Alden Richards' book 'In My Own Words'


 

 

Inilabas na ngayong linggo ang librong "In My Own Words," kung saan tampok ang kuwento ng Kapuso host-actor at Pambansang Bae na si Alden Richards.

Kabilang ang librong ito sa mga regalo ni Alden sa kaniyang mga tagahanga kasabay ng unang anibersayo ng tambalan nila ni Maine Mendoza.

Matatandaang nitong nakaraang linggo lamang, ipinalabas na rinsa mga sinehan ang “Imagine You & Me,” ang kauna-unahang solo movie ng phenomenal AlDub loveteam na kinunan pa sailang bahagi ng Italy.

Sa librong ito, binalikan ng 24-year-old actor ang mga pinagdaanan niya mula nang pumasok siya sa showbiz ilang taon na ang nakararaan.

Ibabahagi rin ni Alden ang mga personal niyang paniniwala niya tungkol sa buhay at pag-ibig.

Kabilang sa mga aabangan ng loyal AlDub fans ang isang buong chapter na tungkol sa samahan nina Alden at Maine sa harap man o likod ng camera. —Bianca Rose Dabu and Jannielyn Ann Bigtas/JST, GMA News

LOADING CONTENT