ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Valerie Concepcion, gayang-gaya si Kris Aquino


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi marahil batid ng marami na malapit na magkaibigan ang Queen of All Media na si Kris Aquino at ang aktres na si Valerie Concepcion.

Nang itampok sa programang "Tunay Na Buhay," ang buhay ni Valerie, naging bahagi ng mga kuwento ng magandang aktres ang pagiging mapagbigay at palabiro ni Kris.

Ginaya pa ni Valerie si Kris nang ikuwento niya kay Rhea Santos kung papaano siya niregaluhan ng television host ng mga sapatos. Gayundin ang ginawang pagbibiro sa kaniya tungkol sa kung sino sa mga magulang niya ang kaniyang kamukha. Panoorin.

 

-- FRJ, GMA News