ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vilma Santos, may pahayag sa pagbida ni Rhian Ramos sa 'Sinungaling Mong Puso'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Masaya ang Star for All Seasons at Batangas Representative na si Cong. Vilma Santos-Recto sa pagkakaroon ng TV version ng pinagbidahan niyang 1992 hit movie na “Sinungaling Mong Puso.” Ano naman kaya ang masasabi niya kay Rhian Ramos na gaganap sa karakter na ginampanan niya sa pelikula?

Matatandaang naunang bumida si Ate Vi sa nasabing pelikula, kasama sina Gabby Concepcion, Aga Muhlach, Alice Dixson, at Aiko Melendez.

Sa TV remake nito ng GMA Network, sina Rhian, Rafael Rosell, Kiko Estrada, at Jazz Ocampo, naman ang gumanap sa mga pangunahing karakter.

Ayon kay Ate Vi,  isa ang “Sinungaling Mong Puso” sa mga pinakapaborito niyang proyekto.

Bukod sa pagiging blockbuster hit, naging daan din ang pelikula para mabigyan ang batikang actress-politician ng mga parangal, kabilang na ang New Fame Magazine Reader’s Choice Award Best Actress at FAMAS Circle of Excellence Award in Acting.

“Ang SMP, isa 'yan sa ginawa ng Regal Films na napakalaki ng kinita, at isa 'yan sa paborito kong pelikula dahil ibang klase ang istorya,” paliwanag niya sa panayam ng “24 Oras” nitong Martes.

Naniniwala ang Star for All Seasons na maganda ang pagganap ni Rhian sa karakter na si Clara, na binigyang-buhay niya sa pelikula noong 1992.

“Ngayon si Rhian ang gumaganap, I'm sure she's good. Napapanood ko naman siya, and I'm sure bibigyan niya ng justice ang role,” saad ni Ate Vi.

 

 

A photo posted by Che_DeSena (@chedesena) on

 

A photo posted by Raf Rosell (@rafrafrosell) on

 

BILANG KONGRESISTA

Samantala, dahil naninibago pa rin siya sa kaniyang buhay-mambabatas, hindi raw muna nakapaglalaan ng oras si Ate Vi sa showbiz.

Sa katunayan, nakatakda sana siyang bumida sa isang period film na pamamahalaan ng batikang direktor na si Mike de Leon.

Kuwento ni Ate Vi, “Hindi na yata sila makapaghintay na dahil kailangan nang paghandaan. Period movie kasi. Sayang. Excited sana ako. Sabagay, naniniwala ako, if it's meant for me, it's meant for me. Kung hindi, hindi.”

"Pinag-aaralan ko ngayon kung paano ang tamang paggawa ng batas, pero ang focus ko talaga ay makagawa ng batas na tutulong sa pinakanangagailangan nating mga kababayan," pagtatapos niya. -- FRJ, GMA News