Magbabalik na ba si Lola Tidora sa Kalyeserye?
Malungkot si Lola Nidora sa pagsisimula ng linggo dahil kasunod ng pag-alis nina Maine at Alden papuntang Africa para sa isang photoshoot, hindi rin niya kasama ang kaniyang mga kapatid na sina Lola Tinidora at Lola Tidora.
Nagkaroon ng madramang monologue ang matanda tungkol sa paglisan ng kaniyang mga kamag-anak — si Lola Tidora na nasa Massachusetts at ang kaniyang mga anak na nasa iba't ibang bahagi ng Amerika.
Hindi raw malayong aalis rin sina Lola Tinidora at Mainesa hinaharap upang tuparin ang kani-kanilang mga hangarin sa buhay.
Dahil dito, napag-isip-isip ni Lola Nidora na sumunod na lamang sa kaniyang mga anak sa Amerika at doon na manirahan.
Ngunit, bago tuluyang matapos ang Kalyeserye, nakatanggap siya ng hindi inaasahang tawag.
Hudyat na nga ba ito ng pagbabalik ng kaniyang kapatid na si Lola Tidora? —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News