ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Wowowin' Mega Jackpot winner na si Shayne, pangarap na maging artista


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa pagkapanalo ng mega jackpot prize sa "Wowowin," natupad ang pangarap ni Shayne Jones na magkaroon ng sarili nilang bahay at lupa. Maging daan din kaya ito para matupad ang isa pa niyang pangarap--ang maging artista?

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabi ni Shayne na hindi niya inakalang magiging daan ang "Wowowin" ni Willie Revillame upang magkaroon sila ng house and lot.

Kasama sa jackpot prize ang P1 milyon at ang house and lot mula sa Bria Homes, na mayroong proyekto sa Rizal, Bulacan, Caivte at Laguna.

Hirap sa buhay ang pamilya ni Shayne na naninirahan ngayon sa isang maliit na bahay sa resettlement area sa Sta. Rosa, Laguna.

Pag-amin ni Shayne at ng kaniyang inang si Aling Rexy, may mga araw na hindi sila nakakakain.

At sa limang taon na paninirahan nilang sa nasabing resettlement area, tatlong taon na silang hindi nakapaghuhulog sa kanilang bahay na P200 bawat buwan.

Sadyang nais na raw nilang umalis sa resettlement area dahil ilang beses na umanong tinangkang pasukin ang kanilang bahay.

Ipinakita pa ni Shayne ang mga jalousie na sinira umano ng taong nais pumasok sa kanilang bahay.

Kaya napakalaking biyaya raw ang pagkapanalo ni Shayne sa "Wowowin."

Pero bago pa man siya sumali sa programa ni Kuya Wil, madalas daw na sumabak ang half Pinay-half British na si Shayne sa mga beauty pageant at singing contests para kumita.

Pag-amin niya, bata pa raw siya ay gusto na niyang maging artista.

Sakaling mabigyan daw siya ng break sa showbiz, ang gusto raw niyang leading man ang Kapuso hunk na si Jak Roberto. -- FRJ, GMA News