ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
SA UNANG PAGKAKATAON

Sunshine Dizon, Timothy Tan at Clarisma Sison, nagharap-harap sa korte


Sa unang pagkakataon, nakaharap ni Sunshine Dizon si Clarisma Sison, ang babaeng sinasabing dahilan ng hiwalayan nila ng mister na si Timothy Tan.

Sa ulat ni Aubrey Carampel sa GMA news "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing nagkaharap-harap ang tatlo sa preliminary investigation ng Quezon City Prosecutor's Office kaugnay sa inihaing concubinage complaint at paglabag sa violence against women and children's act ni Sunshine laban kay Timothy.

Humingi umano ng palugit ang kampo ni Tim sa paghahain nila ng counter affidavit kaya hindi tumagal ang pagdinig.

Makikitang naging emosyonal si Sunshine nang lumabas ng tanggapan.

"I'm getting emotional because of the pain they caused my children not me anymore kasi kaya ko naman. Pero yung sakit na dinaanan ng mga anak ko, 'yan ang walang kapatawaran," anang aktres.

Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Sunshine si Clarisma matapos nilang maghiwalay ng mister.

"If she's thinking that I will do something here to make an eksena, I will not do that, she's too low and I will not dignify her with anything," ayon kay Sunshine.

"Baka [kung] ibang tao nasampal siya pero ako hindi ko padadapuin ang kamay ko baka madumihan," dagdag niya.

Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag si Clarisma na kaagad na umalis matapos ang pagdinig.

Samantala, nais naman ng kampo ni Tim na makausap si Sunshine para sa isang possible settlement para na rin sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Matipid naman sa kaniyang mga pahayag si Tim na aminadong apektado sa mga nangyari.

Nakatakdang maghain ng counter affidavit ang kampo ni Tim at Clarisma sa August 25. -- FRJ, GMA News