ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Comedian-impersonator ni Kris Aquino, nabigo at nasaktan sa dating karelasyon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa segment na "Nasubukan Mo Na Ba?" ng programang Tonight With Arnold Clavio, ipinagtapat ng isang standup comedian at kilalang impersonator ni Kris Aquino na naranasan niyang pumasok noon sa trabaho at magpatawa sa mga tao kahit may pinagdadaanan kabiguan sa buhay.

Bukod kay Tetay, guests sa naturang episode ng programa ni Igan Arnold Clavio, ang iba pang standup comedian na sina Teri Aunor na impersonator ni Nora Aunor, at si DJ Onse na impersonator ng actress-politician na si Batangas Rep. Vilma Santos-Recto.

Kabilang sa itinanong ni Igan sa tatlo sa segment na "Nasubukan Mo Na Ba?," ay kung nagawa na ba nina Tetay, Teri at DJ Onse na magpatawa kahit kaka-break lang sa relasyon?

Oo ang tugon ng tatlo pero "super yes!" ang nasambit ni Tetay.

Kuwento niya, tumagal ng mahigit apat na taon ang relasyon nila ng lalaki na kaniyang naging ka-live in. Pero pagkaraan umano ng dalawang taon ay nagsimula na siyang saktan ng lalaki.

Pumapasok umano siya sa trabaho na may mga pasa sa katawan.

"Siyempre wala namang kinalaman ang mga tao, they paid the entrance it's our job to deliver to make them happy so kahit masakit yung katawan mo...physically and emotionally you have to do your job," paglalahad niya.

Pero itinuturing niyang reward na makitang nasisiyahan ang mga tao sa kaniyang ginagawa sakabila ng kaniyang pinagdadaanan.

Sa ngayon ay masaya raw ang kaniyang buhay pag-ibig sa bagong karelasyon.

Biro ni Tetay, pakakasalan na nga raw siya ng lalaki sa susunod na taon base sa narinig niya sa kaniyang kapitbahay.

 

 

 

-- FRJ, GMA News