ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paolo Ballesteros, nagpahiwatig sa kaniyang pagbabalik sa 'Eat Bulaga!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Abala ngayon si Paolo Ballesteros sa kaniyang paghahanda para sa iba't ibang proyekto, kabilang na ang mga pelikulang “Die Beautiful,” “Bakit Lahat ng Guwapo, May Boyfriend?” at “Enteng Kabisote 10 and the Abangers.”

Bida si Paolo bilang isang transgender woman na magpapakitang-gilas rin sa makeup transformations sa independent film na “Die Beautiful,” habang bibida naman siya sa “Bakit Lahat ng Guwapo, May Boyfriend?” kasama sina Dennis Trillo at Anne Curtis.

Inaabangan na rin ng marami ang reunion nina Paolo, Jose Manalo, at Wally Bayola sa “ Enteng Kabisote 10 and the Abangers,” na pagbibidahan naman ni Bossing Vic Sotto.

Sa kabila ng kaliwa't kanan niyang projects, marami pa ring tagahanga ng aktor ang hinahanap-hanap si Lola Tidora, ang karakter na binibigyang-buhay niya sa Kalyeserye ng “Eat Bulaga!”

Kailan nga kaya siya babalik sa longest-running noontime show?

“Sa tamang panahon. Babalik na. Malapit na. See you soon,” maikling niyang sagot.

Hindi man idinetalye ni Paolo ang dahilan ng ilang buwan niyang pagkawala sa “Eat Bulaga!,” ibinahagi naman niya ang mga aral na kaniyang natutuhan.

Aniya, "Bawal ang maldita. Dapat talagang pag-igihan pa ang pagba-value sa work. Huwag maging palagay ang loob, na okay lang ang lahat. Yung pagtatrabaho mo noong umpisa, ganoon pa rin kung gusto mong magtagal.”

Mensahe niya sa fans na naghihintay sa pagbabalik ni Lola Tidora: “Miss na miss ko na rin kayo. Hindi ko lang kayo isa-isang masagot, pero lahat ng messages niyo ay nababasa ko.” -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA news