ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

20 bahay sa San Miguel, Bulacan, winasak ng buhawi


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasa 20 bahay sa barangay Sibul sa San Miguel, Bulacan ang napinsala matapos manalasa ang buhawi nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News TV's "Balitanghali" nitong Miyerkules, sinabing dakong 10:30 p.m. nitong Martes nanalasa ang buhawi sa gitna nang malakas na ulan.

Sa lakas ng hangin, natanggalan ng bubong ang mga bahay, may natanggalan din ng dingding at ilang puno ang natumba.

Tinatayang tumagal ng ilang minuto ang buhawi.

Pansamantalang pinutol ang supply ng kuryente sa lugar habang nakikitira sa ilang kaanak ang mga pamilyang naapektuhan.

Wala namang iniulat na nasaktan sa nangyari at nagsagawa na rin ng pagsusuri ang lokal opisyal para sa posibleng tulong na maaari nilang ibigay.

Kamakailan lang, nanalasa rin sa ilang kabahayan sa Maynila ang buhawi.-- FRJ, GMA News

Tags: buhawi