ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Aquino, may makahulugang mensahe sa mga supporter tungkol sa kaniyang career


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa harap ng mga bali-balitang lilipat siya ng ibang network, nag-post sa Instagram ng makahulugang mensahe ang TV host-actress na si Kris Aquino para sa kaniyang mga supporter tungkol sa kaniyang career.

Sa kaniyang Instagram post, inilahad ni Kris ang ginawa umano niyang pagmuni-muni na sinuportahan ng kaniyang pamilya.

Iginagalang din daw niya ang pananaw ng iba sa kaniyang mga desisyon dahil batid niya na bahagi ang mga ito ng kaniyang career.

Sa kabila nito,  ginagawa umano niya ang lahat para maging "dedicated and passionate professional."

 

Matatandaan na nag-post si Kris ilang linggo na ang nakararaan ng larawan habang kasama si Mr. Antonio Tuviera, ang namamahala ng APT Entertainment  at TAPE Inc., na nasa likod ng ilang programang napapanood sa GMA Network tulad ng longest running noontime show na Eat Bulaga.

Naglagay din ng mensahe si Kris sa isa pang post na nagsasaad na "Never Miss A Good Chance To Shut Up," na sinamahan niya ng caption na, " I can & I will... Let me shock you with my silence."

 

I can & I will... Let me shock you with my silence. ????

A photo posted by ???????? Kris Aquino (@kriscaquino) on

 

-- FRJ, GMA News

Tags: krisaquino