'BIG TIME!': 'Change is coming' kay BB Gandanghari
Ibinahagi ni BB Gandanghari sa kaniyang Instagram account ang malaking pagbabago na magaganap sa kaniyang katauhan matapos siyang magpetisyon sa California na palitan ang kaniyang kasarian at pangalan.
Sa isang post ni BB, makikita ang sinulatan niyang petisyon sa Superior Court of California upang gawin at kilalanin na siyang bilang si Binibini Gandanghari, mula sa pangalan niyang Rustom Padilla.
Nakasaad din sa petisyon na gawing "female" ang kaniyang gender mula sa "male."
Saad niya sa caption sa larawan: " CHANGE is coming... Big time!!! "
#beingbbgandanghari: CHANGE is coming... Big time!!! ????
A photo posted by gandangharibb (@gandangharibb) on
Sa isa pang larawan, makikita naman sa petisyon ang takdang araw kung kailan didinggin ang kahilingan ni BB.
"And then... It's really just a matter of time," nakalagay na caption sa post.
A photo posted by gandangharibb (@gandangharibb) on
Matatandaan na taong 2006 nang aminin ni Rustom na gay siya.
Pagkaraan ng tatlong taon, bumalik mula sa Amerika ang aktor at idineklarang wala na si Rustom at ipinakilala na niya ang sarili bilang si BB Gandanghari. -- FRJ, GMA News