Julie Anne, LJ, Benjamin, at Martin, bibida sa TV remake ng ‘Pinulot Ka Lang Sa Lupa’
Nabatid na nina Julie Anne San Jose, LJ Reyes, Benjamin Alves at Martin Del Rosario ang mga karakter na kanilang gagampanan TV remake ng dating hit movie na, "Pinulot Ka Lang Sa Lupa", na aabangan ng mga manonood tuwing hapon sa GMA.
Excited na sina LJ Reyes, Benjamin Alves, and Julie Anne San Jose makatrabaho ang isa't isa pic.twitter.com/z8wRXDfpyD
— Aya Tantiangco Miura (@ayaruim) August 31, 2016
The cast of Pinulot Ka Lang Sa Lupa pic.twitter.com/dVbzBzWOar
— Aya Tantiangco Miura (@ayaruim) August 31, 2016
Ang batikang direktor na si Ishmael Bernal ang namahala noon sa naturang pelikula na ng kuwento tungkol sa dalawang babaeng na nagsikap upang magkaroon ng magandang buhay.
Kahit hindi pa siya isinisilang noong unang lumabas ang "Pinulot Ka Lang Sa Lupa," na unang natunghayan bilang serye sa komiks kung saan ito hinango, sinabi ni Julie Anne na excited na siya sa bago niyang proyekto.
"First time ko silang makatrabaho sa teleserye," saad ng Kapuso young star.
Gagampanan ni Julie Anne ang karakter na si Santina, na unang ginampanan sa pelikula ni Lorna Tolentino. Si LJ naman ang gaganap na si Angeli, na dating binigyang-buhay ni Maricel Soriano.
Bagama't parang mula sa langit ang pangalan ng kaniyang role, malayo daw sa pagiging anghel ang karakter ni Angeli.
Ani LJ, "Medyo pilya (si Angeli). Aawayin ko talaga (si Julie Anne)."
Kasama sa pagkapilya ng karakter ni LJ ang pag-agaw niya kay Benjamin Alves, na magmamana ng role na Ephraim na ginampanan ni Gabby Concepcion.
Samantala, makikiagaw naman sa atensiyon ni Santina si Emman, na gagampanan ni Martin.
May pressure man na nararamdaman ang mga aktor, sinabi ng direktor ng teleserye na si Gina Alajar na wala silang dapat ikabahala.
"Walang magiging problema, you're all very good in your own craft," saad ng direk Gina. "Let's just make it a happy set. I believe na kapag positive lahat ng energy na nasa isang programa, ang magiging result din noon ay positive din."
Kasama rin sa upcoming afternoon series na ito sina Jean Garcia, Ara Mina, at si Victor Neri, at ang "Starstruck 6" Avenger na si Koreen Medina, at marami pang iba. -- FRJ, GMA News