ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Regine Velasquez shares why she doesn't tell Nate about talent fees


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Magkasama sa isang press conference ang mag-inang Regine Velasquez at Nate Alcasid, kung saan ipinakilala ang unico hijo ng Asia's Songbird at ni Ogie Alcasid bilang pinakabagong baby ambassador ng isang broadband and digital services provider sa bansa.

Ito ang ikaapat na endorsement ni Nate pero ang kauna-unahan niyang press con.

Proud mom naman ang Kapuso singer-actress dahil hindi raw mahirap katrabaho ang kaniyang anak, na magli-limang taong gulang pa lang ngayong 2016.

“He's nice to work with. Nag-e-enjoy lang siya. Kapag sinabi mo sa kaniya na, 'You have to behave,' he'll listen to you. Minsan, alam kong pagod na siya kasi paulit-ulit, pero tuloy pa rin siya. He listens to instructions,” pagbahagi ni Regine.

Kuwento pa ng Kapuso star, “He's following instructions na galing sa director and the staff. Usually, kailangan ako. Dapat kong i-interpret sa kaniya. This time, talagang kaya na niya.”

 

A photo posted by PLDT Home (@pldthome) on

 

Kahit nakailang endorsement na si Nate, hindi raw ipinapaalam ni Regine sa kaniyang anak ang tungkol sa talent fees na kinikita nito mula sa mga iniendorsong produkto.

Paliwanag ng Asia's Songbird, “Ayokong pumasok sa ulo niya na lahat ay puwede niyang bilhin just because he has the money. Later on, when he's a little bit bigger and he understands already what it means, then I can tell him... Ayoko munang isipin niya. Pero nakaipon lahat 'yan.”

Dagdag pa niya, hindi rin daw niya pinalaki ang anak sa “reward system.”

“Hindi kami naniniwala na if you do good, bibigyan kita ng ganito. Mamimihasang may kapalit. Ang sinasabi namin, 'You have to be a good boy because I say so and it's the right thing to do,'” pagtatapos ni Regine. -- FRJ, GMA News