ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

How does Regine Velasquez balance technology and play for son Nate?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi raw pinipigilan ng Asia's Songbird at Kapuso host-actress na si Regine Velasquez ang kaniyang four-year-old son na si Nate sa paggamit ng iba't ibang gadgets, gaya ng smartphones at tablets.

Paliwanag ni Regine, kinakailangang matuto ng kaniyang anak na gumamit ng iba't ibang gadgets dahil mahalagang bahagi na ito ng pamumuhay ng tao dahil sa pag-usbong ng modernong teknolohiya.

Gayunpaman, sinisiguro pa rin niya at ng kaniyang asawang si Ogie Alcasid na mayroon pa ring oras ang kanilang anak na maglaro.

“Before, I was really concerned about it. Kaya lang, parang ang hirap naman na hindi mo siya i-expose kasi 'yan na ang era niya. He goes to school, at mahirap kung siya lang ang walang alam about technology when everyone is using iPads. As a matter of fact, parang tinatanggal na nila ang books and papers at iPads na ang kapalit. How can you not expose him? Kawawa naman siya,” ayon sa Asia's Songbird.

Dagdag pa niya, “What we're trying to do now is limit the usage. Not everyday. Friday after school, he can, and Saturday until Sunday afternoon, kasi may pasok na ng Monday. And then, I told him na he will only have his own phone and iPad when he's older. For now, he borrows mine. I always remind him na 'Oh, it's not yours. That's mommy's. You're only borrowing.'”

 

A photo posted by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 

Masuwerte raw sina Regine at Ogie dahil lumaki man sa makabagong panahon si Nate, hinahanap-hanap pa rin nito ang paglalaro.

Kuwento ng Kapuso host-actress, “Nauna siya sa amin na maglaro kaysa mag-iPad. I don't even have to tell him—he gets tired of it and drops it, then he plays. Which is good. Kapag nainip siya, he'll go back to the iPad, then he goes back to playing, and so on.”

“Parang na-e-excite siya sa iPad, pero I think, what he likes is being with me and his daddy. Mas gusto niya 'yon, I think. Time lang talaga. Puwede namang mag-gadget, ni-lilimit mo lang. You cannot not expose them dahil time nila ito,” pagtatapos niya.

Magkasamang bumida sina Regine at Nate sa endorsement para sa isang broadband and digital services provider sa bansa, kung saan itinuturing na baby ambassadors sina Nate at ang “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Bae-by Baste. -- FRJ, GMA News

Tags: natealcasid