ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sunshine Dizon, tuloy daw ang reklamo laban sa kaniyang asawa


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Itinanggi ni Sunshine Dizon ang mga usap-usapan na nagkabalikan na sila ng kaniyang estranged husband na si Timothy Tan. Katunayan, tuloy daw ang isinampa niyang reklamo laban sa mister at sa babaeng sinasabing dahilan ng pagkasira ng kanilang pagsasama.

Sa Star Bites report ni Aubrey Carampel sa GMA News "Balitanghali "nitong Biyernes, sinabi ni Sunshine na hindi niya iniuurong ang reklamong concubinage at paglabag sa violence against women and children's act laban sa kaniyang mister at sinasabing kalaguyo nito na si Clarisma Sison.

Nitong Huwebes, muling ipinagpaliban ang preliminary investigation sa naturang reklamo sa piskalya ng Quezon City dahil na rin sa kahilingan ng kampo nina Timothy at Clarisma na bigyan pa sila ng dagdag na panahon para makapagsampa ng kanilang counter affidavit.

Ayon kay Sunshine, hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga bali-balitang nagkabalikan na silang mag-asawa na posibleng makaapekto raw sa kaniyang reklamo.

Gayunman, inamin ng aktres na may mga pagkakataong nagkikita sila ng mister dahil pinapayagan niya itong bisitahan ang kanilang mga anak.

"Hindi ko rin pwedeng pigilan ang asawa ko na makita ang mga anak niya dahil tatay pa rin siya. I'm just being civil," aniya.

Paglilinaw naman ng aktres sa insidenteng nakita silang magkakasama sa isang mall, sinabi ni Sunshine na nagkataon na nandoon siya sa mall para magbayad ng bills habang ipinapasyal naman ni Timothy ang kanilang mga anak.

Inamin din ni Sunshine na nagpalit siya ng abogado dahil sa ilang personal na dahilan.

Patuloy siyang humihingi ng dasal sa publiko para makuha niya ang hinahangad niyang katarungan. -- FRJ, GMA News