Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jennylyn Mercado confirms role in Pinoy remake of 'My Love From The Star'


Matapos ang usap-usapang magkakaroon ng Pinoy remake ng hit Korean romantic-comedy series na "My Love From The Star," kinumpirma na mismo ng Ultimate Star at award-winning Kapuso actress na si Jennylyn Mercado na kabilang siya sa mga bibida sa nabanggit na programa.

Ipinalabas ang nasabing Koreanovela sa Pilipinas nitong 2014 na kinilala bilang, "one of the most loved Korean drama in the Philippines."

Sa mga naunang balita, sinabi ng batikang direktor na si Joyce Bernal na si Jennylyn ang gaganap bilang Steffi Cheon, ang bidang babae sa serye.

Hindi man idinetalye ng Ultimate Star ang karakter na kaniyang bibigyang-buhay sa Filipino adaptation ng "My Love From The Star," kinumpirma niyang nagsisimula na siyang maghanda para dito.

"Malapit-lapit na. Abangan ninyo! This is very exciting. Sana magustuhan nila itong i-o-offer namin na bago," pahayag ng aktres.

 

 

Kasalukuyang sumasailalim sa workshops ang aktres kasama ang kaniyang magiging leading man, na hindi pa pinapangalanan.

Ayon sa Kapuso actress, "Happy kaming lahat. Medyo natagalan lang, pero it's worth the wait."

Ang "My Love From The Star" ay kuwento ng isang alien na napadpad sa mundo at nahulog ang loob sa isang sikat na aktres.

Bumida sa sikat na South Korean TV series sina Kim Soo-hyun and Jun Ji-hyun bilang Matteo Do at Steffi Cheon. -- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT